THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES
Don't worry about anything instead pray about everything. every flower bloom when it's time, and every prayer is answered in God's time.

Friday, September 23, 2011

Halaga ng Buhay



Ano nga ba ang dahilan kung bakit ka nandito sa mundo? Bakit ka nga ba nabuhay? Ano ang silbi mo? – Mga tanong na mahirap bigyan ng sagot para sa karamihan. Marahil marami sa atin ang nakapagtanong o napagtanungan na nito. At kadalasan, ang mga isinasagot natin o ang mga sagot nila ay “nandito ako kasi may misyon ako na dapat gawin, nabuhay ako kasi kailangan kong tulungan ang mga mahal ko sa buhay, para pagbayaran o palitan ang mga sakripisyo at hirap nila...” Ngunit marami sa atin ang sagot ay ganito … “Hmm... ewan, Hindi ko alam, Bakit nga ba? “.
May minsan nagtanong sa akin niyan at kagaya ng marami ay ganoon din ang sagot ko, “hindi ko alam, Bakit nga ba? dahil may misyon din ako?” pero pagkatapos non ay napaisip ako, bakit at ano nga ba ang dahilan ng buhay ko dito sa mundo. Masakit sa ulo na isipin ang sagot pero para sa akin ang tamang sagot sa mga tanong na ito ay ang Poong Maykapal. Nais ng Panginoon na lahat ng ating pagkilos at gawain ay naaayon sa kanya.
Ang mga tao kasi, masyado nang nagpopokus sa mga bagay na nakapaligid sa kanya, palagi na lang kaliwa, kanan, harap, at likod ang tingin. Hindi man lang tumingala at malaman nila na hindi lamang ang mga bagay na nakapaligid sa kanila ang nagdudulot ng ginhawa sa kanila, hindi lamang ang mga ito ang dahilan kung bakit sila nandirito sa lupa. May mga nagsasabi, na nabuhay sila dahil may misyon sila na dapat gampanan dito sa mundo, pero kapag tinanong mo naman kung anong misyon iyon ay hindi naman nila alam. Mayroon ding nagsasabi na dapat nilang tulungan at palitan o suklian o bayaran ang mga sakripisyo at hirap ng kanilang mga magulang sa kanila, oo, marahil ay may punto rin sila, tama din ito, ngunit hindi ba nila naisip na sagsakripisyo ito, hindi naman ibig sabihin na dahil nagsakripisyo ka ay magsakripisyo ka din pabalik. Dahil hindi lahat ng bagay na ginagawa ay kinakailangan na may kapalit.
8 years old yata ako ng maging miyembro ako ng choir sa chapel namin. Syempre, hindi ko pa alam kung bakit nga ba talaga ako naglilingkod, bata pa lang ako noon at ang tanging alam ko lang ay nandoon ako dahil sa pagkanta. Third year high school ako nang magsagawa ng isang seminar ang LOVE FLOCK. At isa ako sa mga partisipante sa nasabing seminar. Ang seminar na iyon ay tungkol sa pagkilala sa sarili at pagkilala sa Panginoon. Pagkatapos ng seminar na iyon ay may kaunting pagbabago sa akin. Naisip ko na hindi lang pala ako basta kumakanta sa simbahan, may misyon pala ako na dapat gampanan ngunit ng mga panahon na iyon ay malabo pa kung ano yung misyon ko na iyon.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang misyon ko sa mundo, ito ay ang maglingkod sa Panginoon ng buong sarili at walang pag-aalinlangan. Gawin ang mga bagay ng naaayon sa kanya. At ipamahagi ang mga turo niya sa iba.

0 comments: